The highs and lows...the joys and pains of a sentimental gurl's life

Home » Post Item » Ulap

Ulap

April 24, 2007

kapag ako'y tumutunghay sa kalangitan…ang mga pigurang ito ang kumakalma sa aking buong pagkatao…wari'y sinasabing "andito lamang ako…." iba't ibang pigura, may anyong tao, hayop…atibapa…at ang pagsuri sa kakatwang pagbabago-bago nito ay tunay na nakakabighani…nakakapagpayapa….nakatutuwang pagmasdan….

ngunit sadya atang ginawa ng Panginoon ang mga ito upang ipaalala na may mga magagandang bagay na maaari nating makita…maging parte ng ating pang-arawaraw na buhay..makagbigay ng katuwaan ngunit kailanmay hindi natin maaring hawakan, angkinin, maabot….at kailangan matutunan ng tao na tanggapin ang katotohanang ito….

…nilikha sila ng malayo…milya milyang layo mula sa lupa, maaaring mawala….magkubli kung may ngbabadyang ulan….tuluyang naglalaho sa ating mga paningin kung ang haring araw ay sumisilong na…tila sinasanay tayo sa isang realidad na walang permanteng bagay sa mundong ito…..ngunit sa kanilang pagbabalik sa pagsikat muli ng araw….ito'y nagbibigay ng pag-asa na lahat ng mga nawawala sa atin ay maaari pa ding magbalik…o kaya nama'y mapalitan ng ibang mas maganda…mas kaaya-ayang mga ulap……

 

you're my cloud, you seem so near yet so far… I can't even touch you cause you belong to the sky…even if you enjoy being with your sun up there…..still you inspire me…you pacify me…i learn a lot of things from you…and though I can't ever have you…still i got you….you're my friend…and i am yours…

 

 

Posted by sentigurl at 8:35 pm | permalink

Previous Comments

nice. mahusay ang iyong paghahambing. :D

siguro nga may mga bagay na nariyan lang para pagmasdan. pero hindi masama na naisin at subukan mong abutin to.

Posted by wits at April 25, 2007, 10:55 am

alam kong may mga bagay na pwede nating subukang abutin…pero ang isang bagay na nais kong makuha ay pag-aari na ng iba…kaya’t tanggap ko na na kailanma’y di ko ito maaaring maangkin…;-) hehe

Posted by sentigurl at April 26, 2007, 2:33 am

*After the bath leaves slowly toward the aging, exclamation oneself life is too short, eventually dust lands.

Posted by cheap jordans at January 15, 2011, 8:35 am

Add a comment